Dismayado umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos akusahan ng kanyang kapatid na si Senadora Imee Marcos na gumagamit umano siya ng ilegal na droga.
“Dismayado po ang Pangulo. Dismayado na umabot sa ganitong kasinungalingan ang ginawa ng kaniyang kapatid,” saad ni Palace Press Officer Claire Castro nitong Miyerkoles sa isang panayam.
Tinuligsa rin ni Castro ang hamon ni Imee na sumailalim ang First Family sa hair follicle drug test, lalo na’t napatunayan na umanong nag-negatibo sa droga si Pangulong Marcos.
“So ano pa? Para sirain ang Pangulo? Ano na naman ang susunod na iuutos nila sa Pangulo? Ang Pangulo talaga ang uutusan nila for this? Hindi naman uto-uto ang Pangulo?” dagdag pa ni Castro.

