Noon pa man ay inakusahan na ni ex-President Rodrigo Roa Duterte itong si Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr., na bangag at adik, bagay na hindi agad pinaniwalaan ng taong bayan dahil na rin sa war against illegal drugs na inilunsad niya noong siya ay nasa kapangyarihan pa.

Ang katwiran ng iba ay kung totoo ang akusasyon ni FPRRD ay bakit nga naman nakalusot sa kanyang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot itong si Presidente Marcos gayong ilang libo na ang pinatay o “na-tokhang” at matindi raw ang galit niya dito sa droga.

Mayroong naniwalang peke ang kampanya ni FPRRD laban sa illegal drugs dahil nga kay Presidente Marcos na tinatawag niyang bangag o adik. Hindi raw kapani-paniwala ang paratang niya sa Presidente.

Pero kamakailan lamang ay nagulantang ang lahaat ng nakarinig ng kumpirmasyon ni Sen. Imee R. Marcos, na gumagamit ng cocaine ang kapatid niyang si Presidente Marcos. Idinawit pa niya sina First Lady Liza Araneta-Marcos at Congressman Sandro A. Marcos na gumagamit din ng cocaine kasama ang drug buddies.

Ito ay isiniwalat ni Sen. Marcos nang siya ay maging speaker sa rally ng Iglesia Ni Cristo kamakailan sa Quirino Grandstand.

Ngunit ano ang reaksyon ng pro-Marcos nang marinig nila itong kumpirmasyon ni Sen. Marcos? Wala! Tameme lang sila!! Tsk, tsk, tsk!!!

Hindi rin ikinaila ni Presidente Marcos ang kumpirmasyon ng kanyang ate na si Sen.Marcos.

Dapat nang kumilos agag ang lahat ng investigative body lalo na ang National Bureau of Investigation at ireng Philippine National Police para maligtas ang bayan at mamamayan sa kamay nireng bangag na Presidente Marcos.

Iligtas ang bayan sa kumpirmasyong ito ni Sen. Imee Marcos!