Zaldy Co takot bumalik sa ‘Pinas dahil sa banta sa buhay

Ibinunyag ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na Marso pa lamang, nakatanggap na siya ng pagbabanta mula kay former House Speaker Martin Romualdez kaya hindi siya bumabalik pa sa Pilipinas.
Batid daw niyang sa mga ibinunyag niya laban kina Pangulong Bongbong Marcos at Romualdez, mas dadami ang banta sa buhay niya at ng kanyang pamilya.
“March 2025 pa lang si Speaker ay nagpaparinig na sa akin sa aming meeting that he will shoot me if I will talk. At pagkatapos niyang sabihin sa akin in a phone call na, ‘Don’t come home, we will take care of you’, tumawag ulit si Speaker Martin at sinabihan niya ako na ‘pag umuwi ako will be dangerous,” ani Co sa inilabas na video sa kanyang Facebook account nitong Nobyembre 16.
“Kasi they may hire someone to do a rub out on me or hire the police to kill me while in jail. Una pa lang ito sa mga gusto kong ibunyag. Marami pa akong dadalhin sa liwanag,” dagdag niya.
Matatandaang kabilang sa isiniwalat ni Co ang utos umanong P100 bilyong budget insertion ni Pangulong Marcos Jr.
