Bilang paghahanda sa “The Big One” earthquake, dulot ng rupture West Valley Fault, obligado na ang lawmakers na palitan ang Presidential Decree No. 1096 na siyang nagtatag sa existing 48-year old National Building Code na pinagtibay noon pang 1977. Kasalukuyang pinag-aaralan ng Senado ang naturang batas.
Nauna rito, inihain ni Bulacan 6th District Rep. Salavador “Ador” A. Pleyto, ang House Bill 1180 na may titulong New Philippine Building Act” na naglalayong i-repeal ang tinawag niyang “obsolete” ang 48-year old National Building Code.
Nais ni Cong. Pleyto, isang civil engineer at dating undersecretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na pagkaisahin ang minimum standards para sa planning, design, construction, at maintenance para sa katatagan ng gusali sa sakuna kasama na ang magnitude 8 na lindol, sunog, pagbaha at ang landslides.
Sa proposal ni Pleyto ay magkakaroon ng mandatory sta bility assessments ang istraktura laban sa panganib. Magkakaroon din ito ng Office of the National Building Official sa ilalim ng pangangasiwa ng DPWH at ang Building Regulations and Standards Council na mag-susuri ng standards kada 5-taon, para tiyakin na ito ay naaayon sa modern technology at global development.

