Sasabak sa kanyang professional boxing kickoff ang panganay na anak ni Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao sa Nobyembre 29, sa isang event ng Manny Pacquiao Promotions (MPP).
Itong laban ay magsisilbing kauna-unahang US promotional event ng MPP, na nagmamarka ng bagong yugto para sa boxing legacy ng pamilya Pacquiao. Si Manny ay tinaguriang Pambansang Kamao dahil sa pagiging eight-division world champion.
Makakalaban ng 24-anyos na si Jimuel ang kapwa debutant na si Brendan Lally sa main event ng programa na idaraos sa Pechanga Resort Casino, Temecula, California.
Ang pagpasok ni Jimuel sa professional boxing ay matagal nang inaasahan at patuloy na hinahasa ng mismong amang si Pacman,
Regular siyang nag-eensayo sa Wild Card Boxing Gym sa Los Angeles—ang kilalang tahanan at training camp ng kaniyang ama—sa tulong ni Marvin Somodio, dating assistant ng trainer na si Freddie Roach.
“It’s a big moment for me, and I’m very excited to finally make my professional debut… My father has been a huge inspiration and a great mentor,” sabi ni Jimuel.
Ipinahayag naman ni Manny Pacquiao ang kaniyang suporta at pagmamalaki sa anak.
“I’m very proud of Jimuel. He has the heart of a fighter. I told him to focus, train hard, and always stay humble. This is just the beginning of his journey,” ayon kay Manny Pacquiao.

