Property Developers Targeting OFWs: A Call for Protection
Malaking tulong itong mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa ekonomiya ng bansa kaya sila binansagang “Bagong Bayani” na nagtitiis na mawalay sa kanilang mahal na pamilya.
Noong nagdaang taon na 2024, nakapag-remit sila ng $38.34 billion na siyang nagpalakas ng ating Gross Domestic Product (GDP) at nakatulong sa ekonomiya ng bansa.
Paborito ng bansa ang OFWs kasi ito ang nakatutulong sa ating ekonomiya at kaginhawaan din ng kanilang pamilya.
Pero paborito ring biktima ng mga unscrupulous o walanghiyang mga property developers ang OFWs. Paborito silang maging biktima nitong mga switik na property developer dito sa bansa dahil na rin sa kagustuhan nilang magkaroon ng disenteng bahay para sa kanilang pamilya at ang kanilang remittances.
Kaya dapat lang na protektahan din ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ireng mga OFW laban sa mga unscrupulous o switik ng property developers para mapanatag naman ang kanilang isip sa ibang bansa.
Imbestigahan ng mga kinauukulan ang operation nireng property developers lalo na yaong mga may aplikanteng OFWs. Obligahin ng OWWA ang mga property developers na bigyan sila ng mga kaukulang listahan at dokumento ng mga OFW na aplikante ng housing o lote na kanilang iniaalok para lang ma-monitor ang kanilang transaksyon.
Kailangan maprotektahan ng pamahalaan ang ireng mga Bagong Bayani na malaking tulong sa ekonomiya ng bansa.
