Pangulong Marcos dedma sa mga pasabog ni Zaldy Co

Tumangging magkomento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga naging akusasyon ni dating Congressman Zaldy Co kung saan idinadawit siya sa flood control scandal.

Sa isang ambush interview sa Negros Occidental kung saan personal na binisita ng Pangulo ang mga naging biktima ng bagyong Tino, sinabi nito na pag-usapan na lang ang tungkol sa bagyo.

Subalit ayaw niyang bigyan ng dignidad ang mga pahayag ni Co.

“I don’t want to even dignify what he was saying,” pahayag pa ni Marcos.

Isa naman sa mga unang ininspeksyon ng Pangulo sa Negros Occidental ay ang Jose Pepito Montilla Garcia Sr. National High School (JPMGS NHS) sa Brgy 1 bayan ng Moises Padilla.

Naging emosyunal naman sina Moises Padilla Public School District Supervisor Gideon Panganiban at JPMGS NHS-Principal Mary Grace Ynon habang isinasalaysay kay Marcos ang kanilang karanasan sa gitna ng kalamidad.