Noon pa man ay inakusahan na itong si Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr., na gumagamit ng illegal drugs. Tinawag nga siya ng ibang mamamayan kasama na ang dating Prfesidente Rodrigo Roa Duterte na bangag at adik.

Bahagya ko lang pinaniwalaan ang makapanirang-puri na akusasyon kasi walang matibay na ebidensya na magpapatunay nito.

At nanahimik ang pamilya nitong si Presidente Marcos o mas kilalang PBBM at walang nagdepensa sa paratang sa kanya na siya ay bangag o adik. Walang dumepensa sa kanyang siya ay gumagamit ng illegal drugs gaya ng cocaine.

Pero nang mismong si Sen. Imee Marcos ang nagsiwalat sa harap ng libong miyembro nitong Iglesia Ni Cristo kamakailan ng gumagamit nga ng illegal drug ang nakababatang kapatid na si PBBM ay naniwala na ako kasi higit 60-taon niya itong kasama sa bahay at kabisado na niya ang ugali nito.

Bukod kay PBBM ay idinawit din nitong si Sen. Marcos sina First Lady Liza Araneta-Marcos, anak nilang si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos, Iñigo Zobel, Antonio “Tonyboy” Floirendo, Jr., Antonio Lagdameo at iba pang sinasabing drug buddies.

Dapat mabahala ang lahat ng mamamayang Pilipino kasi kumpirmadong adik si PBBM.

Kung hindi man ito totoo ay kailangang ipagharap ng kaukulang reklamo itong si Sen. Marcos para malinis ang pangalan ng mga idinawit niyang gumagamit ng illegal drugs.

Abangan!!!

***

Tiyak kong nababalot ng katiwalian ang isinasagawang preliminary investigation ng ilang prosecutors nitong National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice kaya ito ay obligadong imbestigahan ng kinauukulan para makamit ng mga nagsampa ng kaso ang tunay na hustisya.

Sa koneksyon ko bilang media practitioner mula pa noong 1986 na nagkober na rin ng Department of Justice at sa katayuan kong nagmula sa pamilya ng mga abogado na karamihan sa kanila ay may magaganda at respetadong pwesto sa judiciary ay personal kong naranasan ang masidhing katiwalian o corruption sa NPS. Isa ako sa mga biktima ng katiwalian sa NPS ng DOJ, mga padrino ko! Sus, ginoo!!

Ibinasura ng Office of the City Prosecutor sa lalawigan ng Cavite at sa Metro Manila ang isinampa kong mga kasong kriminal sa kanilang hurisdiksyon laban sa mga malalaking establisimyento at mga mapeperang personalidad. Sadya kong hindi pinangalanan ang eksaktong lugar nila bilang proteksyon ko sa ano mang illegal na hakbang na maaari nilang gawin.

Ang aking cyber libel case sa lalawigan ng Cavite ay ibinasura dahil sa ang deadline sa pagsampa nito na nataon sa legal holiday ay nagpaso na raw. Ikinatwiran ko ang Supreme Court ruling na kapag nataon ang deadline sa Saturday, Sunday of holiday ay ang susunod na working day ay ang deadline at hindi dapat mangibabaw ang statutory construction sa ruling ng pinakamataas ng hukuman. Tsk, tsk, tsk!

Ang statutory construction, mga padrino ko, ay ang proseso ng paglilinaw ng batas kung ito ay hindi malinaw o ambiguous.

Ang kasong isinampa ko naman sa Metro Manila laban sa isang kilalang ospital, mga opisyal nito at isang dermatologist ay ibinasura dahil sa mas pinaniwalaan ng investigating prosecutor ang isinumite nitong doktor na pekeng screenshot photos ng ibang pasyente bilang ebidensya niyang ginamot niya ang aking infected cellulitite noong ma-confine ako sa naturang ospital noong Hulyo 2024. Sa screenshot ng pag-uusap nila ng kanyang hindi ipinakilalang assistant (kasi telemedicine daw ang ginamit ng dermatologist) ay ang inireseta lamang niya ay ang Bilastine, isang antihistamine para sa kati at hindi gamot para sa infected cellulitis, patunay ng inilagay pa niya ang aking buhay sa peligro dahil sa sepsis. Sus, ginoo!

Kapag ikinumpara lamang nung lady investigating prosecutor ang mga litrato at medical abstract na isinumite ko at yaong screenshots photos na isinumite nung dermatologist ay malinaw na makikitang hindi ako iyong pasyente sa screenshot photos.

Sa halip na irekomenda nung investigating prosecutor ang pag-sampa ng kasong perjury laban sa dermatologist dahil sa pagsisinungaling sa sinumpaang salaysay ay inirekomenda niyang ibisura ang aking kaso. Magkano kaya?!

Dahil dito, mga padrino ko, nagpasiya akong magsampa ng perjury, falsification of document at medical malpractice laban sa kilalang ospital, mga opisyal nito at yaong dermatologist.

Desidido rin akong magsampa ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa city prosecutors at kanilang mga assistant prosecutors dahil sa gross ignorance of the law and rules, gross incompetence at iba pang mga kaso.

Magsasampa rin ako ng kasong paglabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability sa Integrated Bar of the Philippines para ma-disbar ang mga hindoropot ng miyembro ng NPS ng DOJ!

Abangan!!!

***

Belated happy birthday kay Past Grand Knight Edgardo A. Reyes, ng Knights of Columbus Council No. 9926, Sto. Niño de Molino Parish, Barangay Pag-asa, Molino V, Bacoor City, Cavite. Si PGK Ed Reyes ay dati rin barangay kapitan ng Barangay Pinagbuklod sa Imus City, Cavite.

Binabati rin s’ya ng kanyang mga kasamahan at sa Dos Dos Exclusive Club na sina Past Grand Knight Wenceslao N. Antaran, Jr., Deputy Grand Knight Virgilio Macaranas, Past Grand Knight Carlito Mape, Past Grand Knight Reynaldo Clarianes at Past Grand Knight Gerardo Saenz at iba pang mga kasamahan sa Coucil No. 9926.

xxx

Para sa komentaryo: dodorosario@yahoo.com