Dikta ng mga Politician

Nagkokober na ako ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula noong Nobyembre 1986, at nakalkal ko ang mga karumal-dumal na sinapit ng mga enhinyero nito sa kapangyarihan ng politiko partikular na ang mga congressman ng House of Representatives.
Mayroon ngang mga swapang sa kickback na mga enhinyero sa DPWH na talaga nga namang matatawag na sipsip sa mga politiko. At sa kanilang kaswapangan sa pera ay nawawala ang kanilang pagkatao at nadadamay ang departamento.
Pero, mga padrino ko, mayroon naman akong na-obserbahang tunay ang kanilang pagmamalasakit sa bayan. Yaon bagang dedicated sa kanilang responsibilidad at propesyonalismo ang ipinaiiral. At may takot sa Diyos.
Tulad nina ngayon ay Congressman Salvador A. Pleyto, Sr. at itong si Engr. Ronnel M. Tan.
Si Cong. Pleyto ay nag-retiro sa DPWH bilang undersecretary at na-obserbahan ko ang kanyang dedikasyon sa responsibilidad noon pang isa siyang assistant district engineer pa lamang. Kinainggitan ng kanyang kapwa government engineers ang kanyang pagkakaroon ng foresight na ginamit niya para sa proyektong mapapakinabangan ng taong bayan.
Bagaman mayroong mga nagsampa ng kaso laban sa kanya dahil sa implementasyon ng mga proyektong kailangan ng taong bayan, e, naabswelto siya sa mga naturang kaso dahil napatunayan niyang malinis ang kanyang hangarin sa mga ito. Wow!
Si Engr. Tan naman ay isang regional director ng DPWH sa Region 1 o ang Ilocos Region na balwarte nina Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr. at Sen. Imee R. Marcos.
Istrikto man si Engr. Tan sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin para sa bayan ay sinusunod niya ang utos ng mga nakatataas sa kanya. Nakatitiyak akong walang kinalaman si Engr. Tan sa mga substandard o ghost projects sa kanyang hurisdiksyon.
Pero nadiktahan lang siya ng mga naghaharing-uri sa rehiyon at hindi siya pwedeng tumanggi dahil sa impluwensya at kapangyarihan ng mga politiko sa kanyang lugar. Susmaryosep!
Totoong nadidiktahan lang ng kapangyarihan ng mga politicians ang government engineers saan mang lupalop ito konektado. Lalo na sa DPWH!
You can never turn good men down!!!
xxx
Muling magpupulong ang media practitioners na nagkokober ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para talakayin kung ipagpatuloy pa nila ang DPWH Press Club o magtatatag ng panibagong samahan.
Nagpasiya ang grupo na gawin ang kanilang pagpupulong sa Dagupan City, Pangasinan, sa darating na Sabado, Disyembre 6, para lumayo sa kabihasnan. Hehehe
Umaasa ako na maging matagumpay ang pagpupulong kasi inisnab ni dating DPWH Sec. Manuel Bonoan ang dating grupo. May sikretro pala siya kaya medyo alangang humarap sa veteran media practitioners. Sus, ginoo!
Abangan!!!
Para sa komentaryo: dodorosario@yahoo.com
