Corrupt Action Man na Nabuking

Mabilis talaga umaksyon itong si Secretary Vince Dizon, ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula noong naitalaga siya sa government service una noong administrasyon ni Former President Rodrigo Roa Duterte na naglagay sa kanya bilang President at CEO ng Bases Conversion and Development Authority, Presidential Adviser for Flagship Programs at Deputy Chief Implementer ng National Action Plan Against COVID-19 at nitong administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Department of Transportation at dito nga sa DPWH.

Katunayan ay sinibak niya agad ang dalawang executives ng DPWH na inilantad ni Batangas 1st District Congressman Leandro Antonio L. Leviste kamakailan lamang kasi raw ay contractors sila mismo.

Dahil sa agarang aksyon nitong si Sec. Dizon, ay marami ang humanga sa kanya at binansagan nga siya ng karamihan sa kanila bilang action man daw.

Pero ang dalawang executives na nagresign sa DPWH ay mga recruit lamang ni dating Undersecretary Perez na nag-resign noong Oktubre dahil na rin inakusahan ni Cong. Leviste na konektado raw sa mga contractor.

At ang labis naming pinagtatakahan ay kung bakit hindi pa rin nag-resign hindi dalawang executives. Umabot pa sila ng dalawang buwan sa DPWH. Tsk, tsk, tsk!

Kung hindi pa sila binuking ni Cong. Leviste ang tunay na pagkatao nireng dalawang executives na sila pala ay mga kontraktor mismo ay hindi sila sisibakin nitong si Sec. Dizon! Sus, ginoo!!

Ang DPWH ay pugad ng mga corrupt engineers at pribadong mga kontraktor dahil na rin sa mga proyektong ipinatutupad ng naturang ahensya.

Katunayan ay kaya inilipat ni Presidente Marcos si Sec. Dizon sa DPWH mula sa DOTr ay dahil sa anomalya sa mga proyekto lalo na ang flood control.

Nagtiwala ang taong bayan na sisibakin ni Sec. Dizon ang mga corrupt engineers dito pero nabuking siya ni Cong. Leviste na mayroon din palang mga kontraktor na bitbit niya dito sa graft-ridden government agency na DPWH.

Dapat sibakin din ni Presidente Marcos itong si Sec. Vince Dizon dahil sa nabuking siyang isang corrupt din na nagpapanggap lamang na action man!