Kalokohan sa DOH at DPWH

Sumulat ako kay Department of Health Secretary Teodoro Herbossa para magsampa ng administrative complaint sa laban sa isang ospital sa Bacoor City dahil sa panloloko o scam nito sa akin upang lumaki ang hospital bill ko habang ako ay naka-confine roon dahil sa mild pneumonia.
Noong Oktubre 10 ay nagpadala ang DOH ng email message na inobliga ang naturang ospital na sagutin ang aking reklamo sa loob ng 3-araw lamang. Humingi ang ospital ng extension na 10-araw para magbigay ng kasagutan dahil konsultahin daw nila ang kanilang mga abogado para sila tulungang sa pagprepara ng sagot sa aking reklamo.
Inaprobahan ng DOH ang extension noong Oktubre 21, kaya magsusumite ang ospital ng naturang sagot sa aking reklamo noon Oktubre 31, na isang holiday kaya ang deadline sa pagsumite ng sagot ay noong Nobyembre 3.
Dahil sa walang sagot ang naturang ospital ay nag-email ako sa DOH noong Nobyembre 10, na maaari nang ituring na tinalikuran na nito ang karapatang magsumite ng sagot.
Alam n’yo ba ang ginawa ng DOH, mga padrino ko?
Muling nag-email ang DOH noong Nobyembre 13, sa ospital para i-follow ang sagot nito sa aking reklamo! Tsk, tsk, tsk!!
At dahil sa wala pa silang sagot ay muli akong nag-email sa DOH noong Nobyembre 14, para aksyonan na nito ang aking reklamo laban sa naturang ospital dahil wala itong sagot. Nangangahulugang hindi kayang sagutin ang naturang ospital ang aking reklamong ayaw nila akong palabasin dahil sa magpapatong sila sa aking bill para lumaki ang aking babayaran.
At noong Nobyembre 17, ay muling nag-follow up ang DOH sa ospital na napilitang magsumite ng kanilang sagot sa aking reklamo noon lamang Disyembre 5.
Biro n’yo, mga padrino ko, noong Oktubre 10, ay binigyan lamang ng DOH ng 3-araw ang ospital para sagutin ang aking reklamo pero sa halip na sumunod ito ay binastos ang departamento na mistulang nagmakaawa sa sagot ng naturang ospital. Susmaryosep!
At ang isinagot ng naturang ospital ay malayo sa aking reklamo na suportado ng mga resibo mula sa ospital mismo na malinaw ang estafa sa kanilang medical scam! Sus, ginoo!!
Bagaman wala pang resolusyon ang DOH sa aking reklamo laban sa isang ospital sa Bacoor City ay halos alam ko na ang magiging resulta nito.
Hinog na ang DOH sa reklamong gross incompetence sa Office of the Ombudsman sa ginawa nitong pambababoy sa aking reklamo!
Abangan!!!
Sa pagsibak ni Secretary Vince Dizon, sa dalawang executives ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay pinatunayan lamang niya na siya ay corrupt din.
Biro n’yo, mga padrino ko, kung hindi pa nabuking ni Cong. Leandro Antonio Leviste na ang naturang mga binitbit ni Dizon sa DPWH ay mga kontraktor din ay malinaw na nakalusot sana ang mga hindoropot.
Nauna rito, nagbitiw sa kanyang tungkulin si Undersecretary Arrey Perez noong Oktubre matapos na mabuking ni Cong. Leviste, na dikit siya sa mga contractor. Pero hindi nagresign ang naturang 2 executives na ni-recruit niya sa DPWH.
Pero ang naudlot ang pananatili ng dalawa nung mabuking ni Cong. Leviste na sila pala mismo ay mga contractor din.
Lusot na sana ang dalawang executives at si Dizon kung hindi ibinuking nitong si Leviste! Susmaryosep!!
Dapat imbestigahan din itong si Dizon sa kanyang pinaggagawa sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na nangangasiwa sa Clark International Airport.
Alamin!!!
